Ang Handa – Pinoy ka kung ang Handa nyo ay

Likas talaga sa ating mga pinoy ang maghanda tuwing may okasyon ๐Ÿ˜Š mapa-birthday, reunion, anniversary, fiesta at isama na ang pasko at bagong taon. Sa dami-dami nga nating fiesta mapa-ibang lugar man sa pilipinas ay tiyak na mabubusog ka sa mga tradisyunal na mga pagkain na kalimitan nating inihahanda sa hapagkainan. Sadyang hindi talaga ako maka move-on sa mga pagkain noh ๐Ÿ˜‚ makita ko lang ang mga larawan ay natatakam na ako.

Nakalakihan ko na rin kasi na naghahanda ang magulang ko tuwing may okasyon at gustong gusto ko tuwing sasapit ang buwan ng disyembre. Kahit hindi man magarbo ang mga handa at hindi ganon kamahal ang aming noche buena ay nagagawa parin namin maging masaya dahil narin sa salo-salo kaming buong pamilya na kumakain sa mahalagang araw na iyon. Hindi mawawala sa hapag kainan ang matatamis at ang masasarap ng ulam ๐Ÿ˜‹

Pansit at keso de bola ngayong bagong taon!

Sabi nga na kung bagong taon kailangan ang madaming handang bilog! haha. Huwag na huwag raw mawawala ang mga prutas na bilog, matamis at malalagkit.




Continue reading “Ang Handa – Pinoy ka kung ang Handa nyo ay”