Pasko na sinta ko 🙂
Well, sabi nga nila iba ang paskong Pinas 😉 kaya na-isipan ko kung ano nga ba ang pinagkaiba ng pasko natin sa pasko nila? Hmmm kung tutuuisin nga eh pareho lang naman tayo ng ipinag-diriwang tuwing buwan ng December kaya naman naispan ko isa-isahin ang mga bagay na talga namang nakakamiss sa Paskong Pinas!.. 👍
CHRISTMAS SONG – that have been played kahit na September palang kasi naman most of us start to play Christmas song pagsaktong-BER month na LOL! sobrang advance na advance.
CHRISTMAS DECORATIONS– All over and same as above already and probably not as early as September but at least after All Saint’s day and All Soul’s day kung baga (Todos Los Santos). (Todos Los Santos for those who don’t know, that is all soul’s day).
CAROLING – Marinig mo lang ang kantang, “Thank you, thank you ang babarat ninyo, thank you!” sabay takbo ang mga bata Lol! 😅 Kailangan nang magsave ng barya kung ayaw nyong makatikim sa mga batang kumakanta haha 😅
SIMBANG GABI and all it entails – Puyatan at isang oras na nakatayo sa misa pero that’s nothing compared to what we get in return di ba?. Sino ba bang ayaw makumpleto ang simbang gabi at sabi nga ni father eh bawal ang absent 😉.
PUTO BUMBONG AT BIBINGKA – Of course, sino ba ang makakalimot sa pagkaing ito. na hindi mawawala after mong magsimbang gabi esp sa madaling araw para derecho almusal na hehe.
MONITO MONITA – Eto ang namiss ko ng bongga! I remember when I was much younger, we used to do this in the family and with our relatives oftentimes ginaganap pa namain sa labas ng bahay namin kasama mga kapitbahay namin. Grabe, enjoy to talaga and lots of fun kahit na mura lang ang mga gifts at mga palaro pa.
PAROL– oo nga may parol namng mabibili sa ibang bansa at may sarili rin silang style ng parol, but it’s still not the same with what we have sa Pinas. Mas maganda pa rin yung dito sa atin kasi mas colorful and creative at kumukuti-kutitap ang mga parol na nakasabit sa mga bintana.
NOCHE BUENA – Eto ang miss ko! HANDANG PINOY! walang kapares at katulad 💚 However, it’s not really the food that matters. It’s just nice to be still up by around 12 midnight by the dinner table, eating with the family after midnight mass and greeting each other a Merry joyful Christmas 👌.
Magsimba kahit man lang tuwing Pasko – I think narinig ko na ito before sa iba ang “Nagsisimba lang ako tuwing Pasko at Bagong Taon.” Nyekz! Kung pako-confess ako ngayon at tanungin ako ng pari when was the last time I went to church … ay naku patay!
DECEMBER 25 CELEBRATION – Trivia: In Sweden, Dec 24th is more important than the 25th. 24 December is the highlight of Christmas. Schoolchildren are on holiday, as well as most parents. People here celebrate the 24th big time and open their gifts that day while the 25th ay simpleng kainan lang ng tira-tira from the night before 😉 Namiss ko na sa Pinas na both are equally important, kasi sa 24th we have the Noche Buena and it keeps us excited for the 25th when we open our gifts. Sa 25 doon din bumibisita ang mga kamag-anak at inaanak. Ito rin ang araw na sobrang gusto mong i-rampa ng pamasakong damit mo at ipunin ang aguinaldo at magpunta sa STAR CITY – walang taguan ha ninong at ninang! 😅
Sa lahat ng nasa 😉 be glad and be proud that we have these Christmas traditions because yan ang hinahanap hanap at sobrang namimimiss ng mga kababayan natin na nasa ibang bansa ….ika nga – ONLY IN THE PHILIPPINES! 🙂