Ikaw ba ay Youtube vlogger, beauty vlogger or photography enthusiast? Gamit mo rin ba ay Canon G7X Mark II kapag ikaw ay nag-vvlog or nag-fifilm ng mga beauty videos mo?
Kung ganon! Alam ko na naranasan mo na ring malowbat ang iyong gamit na Camera habang kayo ay nagfifilm.. tama ba ako? Nakakainis hindi ba? Hindi lamang sa nauubos ang oras mo at pagod kundi, kailangan mo rin munang i-charge muli ang iyong gamit na camera at antayin na mafull charge ito. Lalo na kung sa kasamaang palad eh wala kayong extra baterya para sa inyo camera. Sobrang hassle noh!
Kung kagaya nyo akong mahilig mag film ng mga makeup reviews, tutorial at talking video sa inyong youtube channel. Ang blog post ko na ito ay para sa inyo. Kung ako ang inyo tatanungin, isa sa aking problema ay ang baterya ng CANON G7X MARK II (malamang yung iba rin). Alam namn natin na magandang klaseng Camera ang Canon G7X lalo na pagdating sa kalidad ng videos at pictures nito pero ang longevity ng battery nito ay hindi ganon kagandahan. (madali itong malowbat esp kung gagamitin nyo ito sa pag vivideo)
Kaya namn naisipan kong maghanap ng power adapter na compatible sa aking Camera (CANON G7X MARKII) para ng sa gayon makapag film ako ng tuloy-tuloy na hindi ko na pinoproblema kung malowbatt man ang baterya nito. Kung baga mapapadali ang pag gamit ko dahil sa magiging direkta na mismong ikakabit sa plug ng ating kuryente.
Laking tuwa ko talga nang makita ko sa Canon website na nagbebenta sila ng AC/DC coupler na compatible sa aking camera. Nagresearch ako tungkol sa mga reviews at at recommendation online. Nung nalaman ko na ito talga ang compatible sa G7X eh walang patumpik-tumpik binili ko kaagad online ang CANON ACK-DC110 AC Adapter Kit. 👈 (picture below)
Ang presyo ng CANON ACK-DC110 AC Adapter Kit 👈 ay nagkakahalaga ng 1,129.00 kr Swedish kronor. Kayo na po bahala na i-convert in peso at ang pakaka-alam ko na magkaiba namn ang presyo nito sa Pilipinas, kaya i-check nyo nlng po online 😉
Continue reading “Power Adapter Canon G7X MarkII-(ACK-DC110)”